naiinis ako kay keith.

correction!

galit ako sa kanya.

hmp!

at hindi dahil sa nanakaw ang cellphone nya (na cellphone ko talaga dahil pinahiram ko sa kanya yon). galit ako kasi sinungaling sya. hmp! the nerve!!!

at sya pa ang may ganang mainis sa kin at sabihan ako na hindi ako nakakaintindi. hah! sya kaya ang maghintay buong magdamag para sa taong hindi naman pala darating. o kaya naman eh darating nga, lasing naman.

okey... okey. so he didn't ask me to wait up for him. but he called me at 3am, when i was slowly drifting to sleep and said that he'll be coming home. that he'll buy food and we'll eat together. so stupid little me decided to keep awake and wait.

and wait...

and wait some more...

ayan... gising na ang nanay nya tsaka kuya nya... ayan... umalis na kuya nya. hmmm... 4:30 na... umabot na siguro sya sa laguna... baka pabalik na sya ng muntinlupa... matawagan nga. ano ba ito? mga babaeng nagtatawanan lang naririnig ko... hmmm...

fine! matutulog na lang ako...

5am... uyyy... text... nasa bus na daw sya... grabe... 2 oras sya nag-instay ng bus? saan sya pupunta? sa pangasinan?...pipilitin ko matulog... promise!

515am...uyyy... si byron... o, nanakaw ang cellphone ni keith!... hah! karma. sinungaling kasi! ano ba naman kasi yung sabihin nya na iinom sila di ba? eh di hindi ko na sana sya hinintay at tinawagan. eh di hindi sana sya nagkukumahog na umuwi at sumakay ng bus. eh di sana nakapili sya ng bus na walang sakay na mandurukot (kung meron mang ganung bus sa metro manila!).

tapos ngayon sasabihin mo sa kin na hindi ako marunong umintindi?! baka ikaw... insensitive ka kasi. sabagay... dati na naman eh.

so ang ending... ang lalaking pakakasalan ko, insensitive!

hmmm... parang di ko feel yon... hmmm...

maybe we should call off the wedding...

hmmm...

No comments:

Post a Comment