drama!

minsan, nakakainis na lang talaga. the frustration and disappointment is enough to drive me to tears.


but i resolve not to cry. tama na ang daang luhang naiyak ko para sa inyo. sabihin nyo nga sa kin,masama ba akong kaibigan?ibinigay ko ang lahat ng pwede kong ibigay. kulang pa rin ba yon? kulang pa ba ang pagmamahal at pang-unawa na binibigay ko sa inyo para ako naman ang unawain nyo?


hindi ako nanunumbat. ang masakit lang talaga eh, sa mahigit sampung taon nating pagsasama, mukhang hindi nyo pa rin ako kilala. ika nga nila, di nyo pa rin huli ang kiliti ko. it's so sad for me to realize that in all the years that we have been together, you never really knew me.


nung araw na nag-talo tayo dahil sa ginawa mo sa bahay namin, nag-text ka. sabi mo "i'll always be here for you". you told me that you'll always be my friend. o eh nasan ka ngayon?bakit hindi ka makalapit sa kin?ni hindi ka nga nagte-text eh. ayaw mo rin makipagkita. then you're going to come out and say i've given up on you?


walang nagbago sa kin. walang nagbago sa pagtingin ko sa iyo. ikaw ang nagbago, ikaw ang lumayo. *sigh*. i am just wasting my breath here. panahon na siguro para tanggapin ko na wala na kayo sa piling ko. hindi ko na aaksayahin ang oras ko na puntahan kayo o tawagan kayo "to patch things up". walang nagbago sa kin. hindi nagbago ang pagtingin ko sa inyo. kayo ang lumayo, kayo ang nagbago.

No comments:

Post a Comment