my roomie and dear friend geisha's dad passed away yesterday. and i don't kow if getting the following email from a friend of mine is fate or coincidental. at first it got me a little spooked... then it made me *almost* cry. read on...
Nagising na lang ako isang umaga, naramdaman ko parang may kulang.Kumain ako ng almusal, nakausap ko na lahat ng tao sa bahay, pero bakit ganito, parang ang bigat ng pakiramdam ko. Pumasok ako sa school. Nag-iisip pa rin. Muntik na nga ako matisod sa kakaisip lang nito. Tinanong na ko ng mga katrabaho ko, ano ba meron sa kin, bakit ang tamlay ko. Sabi ko hindi ko alam, di ko maintindihan.
Alam mo ba yung pakiramdam na parang may malaking butas sa sarili mo? Tipong merong kailangang makapuno?
Yun ang nararamdaman ko nung araw na yun. Gusto ko nang sumigaw. Magwala. Malay ko ba kung ano lang ito. Pero hindi ko ginawa, hindi naman dapat.
Mga bandang tanghalian, tumawag sya. Lam mo na... Siya. Yung lalaking minahal ko buong buhay ko pero iniwan ako para sa ibang tao. Wala lang nangumusta lang. Labas daw kami pagkatapos ng class. Nag-isip ako ng mabuti, kung papayag ako o hindi. Naisip ko, ano ba namang masama. Nasa malayo naman nagtatrabaho ang girlfriend nya, parang malalaman, di ba?
Natapos ang araw, sobrang excited ako. Sinundo nya ako sa school. Kumain kami. Nag-usap. Binalik ang nakaraan. Sabi ko na lang wag nang pag-usapan. May buhay na sya, masaya na rin ako sa buhay ko. Kaibigan na lang ang maibibigay ko. Ang drama pa nga, sabi niya mahal pa daw nya ako. Ikumpara ba 'ko sa bago! Mas mabait daw ako, mas understanding...
Sabi ko nga , "Aba eh bakit sa 'kin mo sinasabi yan, ano ito bolahan?!"
Natawa lang sya kahit hindi nakakatawa. Nainis nga ako, di ko na lang pinakita.
Pero kahit na nag-uusap kami nandun pa rin yung malaking butas, nararamdaman ko pa rin. Hanggang naisip ko baka kulang lang ako sa pagtawag sa kanya. Siguro naman alam nyo kung sino yun.
Naglalakad na kami pauwi, papunta sa auto nya. Nakalimutan ko kahit sandali ang kulang na nararamdaman. Napatawa pa ko sa mga biro nya. Napalo ko pa nga sa kakatawa.
Biglang nag-ring ang cellphone ko.
Kapatid nya, umiiyak.
Sabi ko "Bakit? Kasama ko kuya mo, pauwi na kami..."
Bigla syang natahimik, tinanong ko kung bakit at dahan- dahan nyang sinabi...
"Pa'no nangyari yun e si kuya nadisgrasya. na total wreck sasakyan nya. Ate, patay na sya..."
Nabigla ako.
Hindi ko maintindihan, pano nangyari na patay na sya e kasama ko pa, pag harap ko sa likod ko, nandun pa sya, ganun pa rin suot nya pero duguan na...
Napaluha ako.
Ngumiti lang sya at sinabi na, "Naramdaman mo na ba yung pakiramdam na parang may kulang, hindi mo maintindihan kung bakit?"
Napa-oo na lang ako habang patuloy na lumuluha...
"papunta ako sa iyo ngayon, dahil gusto kong sabihin na ikaw pala yun, 'yung kulang sa buhay ko...Gusto ko sana na magpakasal tayo...Pero di ba sabi ko naman sayo kahit anong mangyari, gusto ko bago ako mamatay ikaw ang asa tabi ko..."
Tapos bigla syang nawala.
Bumigat lalo ang pakiramdam ko, napa-upo ako sa lapag. Wala na lang akong magawa kung hindi umiyak. Bakit kung kailan lahat ng sinabi nya tama sa pandinig ko, hangin na lang ang lahat ng ito...
i don't know who wrote this so i am unable to give proper credit to the author. it was just one of thos emails that get spammed to everybody. i just hope to god that this is not a true story or based from true story. although, when you think about it, art ofen imitates real life.
again, i am reminded of how important it is to always, always say and show people how much they mean to me. even if it sounds mushy. even if it's the same three words i say over and over again. 'cause i just don't know when it might be too late for either of us to even say it.
No comments:
Post a Comment