alone again, naturally...

mahirap pala ang mag-isa...

habang palapit nang palapit ang pasko...habang palamig nang palamig ang gabi... habang patuloy ang tila walang-hanggan kong pag-iigib ng tubig araw-araw... habang pahirap nang pahirap ang paghahanap ko ng bagong water pump... lalo kong naiisip na hindi pala madali ang mag-isa... hindi pala masaya tulad ng inaakala ko noon.

wala akong ibang inisip noong nag-aaral pa ko kundi ang makatapos at masuportahan ang sarili ko. gusto ko maging isang "independent career girl". ang taray no?! hah! ang hirap pala... sa umpisa, nakakatuwa. wala kasing nakikialam sa yo, walang magsasabi kung anong oras ka uuwi at kung sino lang ang pwede mong patuluyin sa bahay mo.... tuwang-tuwa ako dahil hindi na ko umaasa sa magulang ko. kaya ko nang mabuhay ng mag-isa.

kaya ko, pero hindi pala sya ganun kadali...

nakakapagod palang umasa sa sarili mo. pag may krisis, sarili mo lang ang aasahan mo. walang ibang tutulong sa'yo kundi ikaw lang. kahit pa sabihin mo na may mga kaibigan at nobyo kang aalalay sa yo... hindi lahat ng oras nandyan sila kasi may mga sarili rin silang buhay. may mga sariling alalahanin at krisis. mag-isa kang uuwi sa bahay mo, mag-isa kang matutulog sa malaki mong kama, mag-isa kang kakain nga hapunan o tanghalian...

i am strong and am getting stronger with each challenge i surpass. i am living by myself, living the life that i have dreamed of for so long. but the fact remains that.. i could have been happier otherwise.

No comments:

Post a Comment