ang mundo ko ngayon ay umiikot lang sa maliit kong kwarto. ayoko na lumabas at makihalubilo sa mga kapitbahay. wala naman silang kwenta lahat. wala rin ako balak kausapin ang kapatid ko. kasi wala rin naman sya kwenta kausap. lagi lang akong nasa kwarto ko. nagbabasa, nanunod ng tv, naglilinis, namamalantsa, nagpaplano ng mga kung anu-ano.
mahirap pero tinatyaga ko na lang. sa looban namin, matira ang matibay. ang pikon ay talo, ang mahina ang loob ay kawawa. hindi ako pikon at ayokong panghinaan ng loob. kelangan ko ipaglaban ang sa nararapat para sa akin. ayokong pa-api dahil hindi talaga ako papa-api.
kaya eto ako, nakatigil sa loob ng aking munting mundo. naghihintay ng pagkakataon. nanalangin na sana dumating ang araw na umayos ang lahat.
No comments:
Post a Comment