umalis na si geisha sa bahay. kanina lang. inaway sila ng magaling kong ate. and all the while that they were getting crap from my sister, i was getting the same from her thru text messages.

sabi ni ate bastos daw dahil gabi na eh ang ingay-ingay pa daw. kesyo yung mga sapatos eh diretso lang hanggang kwarto. kesyo ang ingay pag umaakyat sa hagdanan kahit na alam na maynatutulog... o sige na. sige na... so maingay sila, magulo at mahilig manood ng tv hanggang madaling araw. eh ok lang naman yon di ba? kasi gising sila hanggang madaling araw eh. yung mga sapatos naman eh wala na kami dapat pakialam kung iakyat dun sa kwarto nila. they are renting that room so they could do anything they please with that room. labas na kami doon. isa pa, hindi naman kasi sya dapat nandito eh.

that's the main point. she shouldn't be bothered by any of geisha's habits because she isn't supposed to be staying long in the house. she should be back to bacolod by now. but she opted to leave her kids and stay here despite knowing there is no place for her to sleep here. and now she's creating such a riot.

ang ayos at linis ng bahay bago sya dumating. ngayon ang dumi-dumi na. at wag nya sabihin na kasalanan nina geisha yun dahil mga kaldero at gamit nya ang nakakalat sa kusina at banyo. tingin ko nagawa lang sya ng dahilan para umalis sina geisha. masama man sa loob ko, pinaalis ko na sila kesa naman pag-initan pan ng hudas kong kapatid. alam ko naman na gusto ng maldita kong kapatid na umalis sina giesha para sya naman ang matulog dun sa kwarto nung mga yon. o siguro, may nakausap sya na kasundo nya na magre-renta dun sa kabilang kwarto.

hay! stress talaga!!!

i don't want to be paranoid but knowing how my sister's devious mind works, she will soon have me and keith packing. yep. no doubt about that. susulsulan sya ng mga demonyo naming kamag-anak na paalisin ako at tulad ng ginawa nya kina geisha, maghahabi sya ng kwento sa nanay ko. magrereklamo ng kesyo ganito at ganun ako. well, we won't be sisters if i don't have a devious mind myself. panahon na para ipahati ang lupa namin sa makati. o siguro dapat ibenta na lang. at tingnan natin kung san sya tatakbo pag wala na talaga syang matitirhan dito. pasensyahan kami pareho.

No comments:

Post a Comment