ang bilis ng panahon. mga tatlong linggo na rin ang kapatid ko dito sa maynila. sa loob ng 3 linggong iyon nagawa nyang makapag-ayos ng negosyo nya at maibenta ang halos lahat ng gamit sa bahay namin. yung tv rack, yung washing machine (na tita ni keith ang bumili), yung kabinet, pati na yung sofa set na regalo sa nanay ko binenta nya. grabe nga daw makabenta ng gamit ang kapatid ko eh sabi ni keith. parang hikahos na hikahos daw sa pera. eh hindi nga ba?! anyway, she was able to send money to her kids and she even got her daughter a cellphone. it's not bad... not bad at all...

PERO ang dumi ng bahay. as in! nagkalat ang mga gamit ng kapatid ko sa sala. yung mga pinaglutuan nya ng tinda nya eh umaabot hanggang sa may hagdanan at banyo namin. hay! ang banyo!isang malaking EWWW!!! tulad ng nakagawian ng ate ko eh iniiwan lang nya yung hinubad nya dun. keber na may kasama syang hindi nya kamag-anak sa bahay!

oh well... some things never change. my sister is too set in her ways to EVER change them. she will never listen to my mom or to me or my dad. she will never learn to accept her mistakes but would rather blame it on others. but i'm happy that she's trying to stand up on her own and provide for her children. maybe i shouldn't be too quick in my judgment. maybe she will change for the better.

i hope so. for my darling nieces' and nephew's sake. i hope so.

but i won't hold my breath...

No comments:

Post a Comment