Introducing: Taltos

nakakagulat ka. hindi ko alam na ganyan ka pala... makulit, nakakatuwa, nasa loob ang kulo. hay! nabuhay na namang magmuli ang paghanga ko sa'yo. and cute-cute mo talaga! dati pa crush na kita kaya lang may girlfriend ka nun eh... tsaka may boyfriend ako. ngayon, libreng-libre ka na. wala na kayo eh. pero kami pa rin ni boyfriend, stronger than ever.

ano?! sexually attracted ang "friend" mo sa kin?hus! baka ikaw lang yon!... ahahhaahha...apollo ba kamo ang pangalan nya? talaga lang ha... ako naman si venus... ahahahahahaha...

tuwang-tuwa ako makipag-usap sa'yo. nakakakilig... crush kasi kita eh. pihadong manlalaki butas ng ilong ng boyfriend ko sa galit pag nalaman n'ya 'to pero ala ko pakialam. bakit? di na ba ako pwede magka-crush??? crush lang naman eh. tsaka hindi naman ako ang tipo mo di ba? yung "friend" mo lang ang may gusto sa 'kin.

ha?!ano number ko? pinatatanong ng friend mo kung open-minded ako sa sex?! aba... iba na 'ata ito ah. oo. open-minded ako sa sex. pag-uusapan lang naman pala eh. at eto nga pala number ko. textmates? oo, bah! textmates lang naman pala eh...

uuwi ka na? sige... kita-kits na lang ha.

hay! ang cute mo talaga! u make me so kilig!!!

No comments:

Post a Comment