second year anniversary namin ni keith kahapon...
grabe... dalawang taon na pala kaming naglolokohan... charing! heeheheheh... sino nga ba ang mag-aakala na aabot kami ng ganito katagal?! kahit ako eh nag-alangan din. i still have doubts if he's actually the one for me or not. pero tingin ko sya na talaga eh. as in!
nagkita kami kahapon. syempre. anniv eh. kumain kami sa subway sa may shangri-la. tuwang-tuwa ako kasi feeling beauty queen ako habang hawak-hawak ko yung bigay nya sa king roses. 3 peach roses. peach para naman daw maiba. ang sweet noh?!? i was so touched by his gesture. kasi starting pa lang sa trabaho ang bf ko eh... so syempre, ala pang pera. tilad ng dati, mega-tipid na naman siya mabilhan lang ako ng "luho" ko. ehehhehe...
kumpleto na sana katuwaan ko kung hindi lang nya sinabi sa kin na ninakaw lang nya yung roses...
gusto ko na talaga umiyak habang palakad kami pabalik sa opisina. hindi ko na nga hinawakan yung bulaklak eh. di bale nang walang roses o kung wala syang gift sa kin. wag lang sya magnakaw! sus! di ko alam kung matutuwa ako sa kanya o ihahampas ko sa kanya yung roses eh. at gusto nya pa dalhin ko sa office at ipagyabang yung nakaw nya na roses!eeewwww... no way!
paakyat na ako sa office nung sinabi nya sa kin :"Hoy gaga kunin mo na 'to! mahal din ang bili ko dyan sa flower shop!"
grrr!!!...
No comments:
Post a Comment