ganito pala ang pakiramdam ng buhay na patay. o patay na buhay?... wala na kong maramdaman. naiiyak ako pero wala na kong mailabas na luha. ang bigat ng dibdib ko. nagbibiro si mari kanina. natatawa ako pero ngiti lang ang nagawa ko. nagpa-exam si el profesor sa spanish class. hindi ko malaman kung pano ko nasagot basta ipinasa ko sa kanya. sana pasado.
siguro puyat lang ako. mahigit 24 oras na kong gising. hindi ako makatulog eh. gusto ko nang matulog pero hindi ko magawa. ayaw kasi tumigil ng isip ko sa kakaisip eh.
kelan ba matatapos to?! bakit ba pag kelangan mo ng blade wala kang makita? dyaskeng naman o. ang dali-daling matapos nito. blade lang.
ang tanong, pag may blade na sa tabi ko magawa ko kaya ang kinakailangan?...malamang hindi. kasi ganun ang buhay. pag nandyan sa tabi mo, hindi mo kailangan. pag wala, hahanapin mo. parang ikaw. nasa tabi mo na nga ako eh kulang pa rin.
naglalakad ako,nagsasalita ako pero pakiramdam ko hindi ako ito. there is a huge emty feling inside me. siguro ganito ang feeling ng namamatay. so bakit pa ko papakamatay? matagal na kong namatay. kasalukuyan na kong nakaburol. ilang araw na lang... ililibing na ko.
No comments:
Post a Comment