one Dao Ming Si for take home pls!!!
oo. alam ko. ang jologs ko. eh ano ngayon?! hindi lang naman ako ang patay na patay sa kanya ah. ako at sanlaksang pinoy, chinoy, intsik,malay... buong kababaihan ng asya naaning sa kanya noh... kaya ano ngayon kung i krass him??? ang cute nya kasi. at mayaman pa. alam ko na sa mundo lang sya ng puting tabing nabubuhay, binibigyang-buhay ni jerry yan ng chakang boy band (mga lalaki nga ba sila???) na F4. pero wala akong pakialam... siya ang dream boy ko!!! =D
may pagka-brusko sya. arogante at kadalasan eh masungit. pero lalaking-lalaki ang tikas at tindig nya. talagang alam mong ipagtatanggol ka kung sakaling may umagrabyado sa'yo. may paninindigan sya at hindi sya nahihiya na ipakita at aminin ang tunay nyang nararamdaman. hindi sya agad sumusuko. higit sa lahat, pinahahalagahan nya ang babaing pinakamamahal nya. at may fashion sense sya!
hay!!!kung si dj alvaro type ang lalaking maginoo pero medyo bastos... ako type ko yung brusko't nambubugbog... ng halik!!!
ang cute-cute nya talaga. sobrang ganda ng hair nya! (ehem.. ehem...) mayaman sya ha pero di sya kuripot. akalain mong bigyan nya ng kung anu-ano ito'ng engot na shancai na 'to. ipinasyal nya sa kung saan-saang lugar. super-kakakilig talaga sya!!! at eto pa nakaka-tumbling sa lahat ng 'yan... virgin pa sya. o ang taray di ba??! kasi sabi nya gusto nya makipag-make love lang sa babaing mahal nya. o da ba?! hindi pa sya manyak tulad ng ibang lalaki dyan (ehem! ehem!)... talagang malinis ang kanyang intensyon kay eng-eng na shancai...
sayang at hanggang panaginip lang sya. i bet na wala na talagang lalaki na tulad ni Dao Ming Si sa totoong buhay. kung meron man eh malamang na taken na sya or worse... bading sya.
ang sarap sigurong makatagpo ng tulad nya. yung tulad nya'ng tatayo sa harap mo at sasabihing "i will not be able to go on without you";yung hindi mahihiyang tumingin ng diretso sa mga mata mo at sabihing "mahal kita.mahal na mahal kita." isang lalaki na mamahalin ka ng higit sa lahat at higit kanino man, ipagtatanggol ka sa kahit na sino maski sa magulang nya; yung papangaralan at pangangalagaan ka. ang sarap sigurong mahalin ng isang tulad nya. nakakapanghinayang talaga kasi hanggang panaginip na lang sya...
No comments:
Post a Comment